Connect with us

Aklan News

29 KATAO NA MAY CLOSE CONTACT SA SUSPECTED COVID SA MALAY, ISINAILALIM NA SA QUARANTINE

Published

on

Malay, Aklan – KAAGAD na isinailalim sa 14 days quarantine ang 29 katao na nagkaroon ng close contact sa 26 anyos na taga Malay na suspected covid at namatay noong Abril 15.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng 7 medical workers ng Aklan Baptist Hospital kung saan sya unang dinala, 4 na myembro ng pamilya at 18 iba pa.

Ang 7 health workers ay dinala sa Aklan Training Center sa Kalibo samantala naka home quaratine naman ang iba.

Hindi na muna sila kinunan ng specimen sample for Covid 19 testing.

Ayon kay Madel Joy Tayco – Spokesperson ng Malay Anti Covid Task Force, dedepende sa magiging resulta ng confirmatory test sa specimen ng biktima kung magiging suspected din ba sila o ibababa ang araw ng quarantine sa kanila.

Matatandaan na nagkaroon ng Severe Acute Respiratory Infection ang biktima at namatay pagdating sa Aklan Provincial Hospital kung saan agad na sinunog sa crematorium sa Iloilo ang bangkay nito.

Nakunan ito ng specimen sample at pinadala na kahapon sa Western Visayas Medical Center para sa confirmatory testing.