Aklan News
29 rice retailers sa Aklan, nakatanggap ng tig-P15K na cash assistance mula sa DSWD 6


AABOT sa 29 micro rice retailers sa lalawigan ng Aklan ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) 6.
Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-cash assistance ng DSWD.
Ang naturang ayuda ay para makatulong sa mga rice retailer na naapektuhan ng ibinabang Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na price cap sa bigas.
Napag-alaman na nasa P435,000 ang pondong inilaan ng DSWD para sa lalawigan ng Aklan.
Nilinaw naman ni DSWD 6 Spokesperson Atty. Mae Castillo na ang listahan ng mga benepisaryo ay mula sa Department of Trade and Industry (DTI).
“Ang pag-identify, pagkilala, pag-target, sa tanan nga pagpili sa mga makabaton iya ina karon sang DTI o Department of Trade and Industry. Bale kami sa DSWD mabayad lang kami,” pahayag ni Atty. Castillo.
Tiniyak naman ng DSWD na unang batch pa lamang ito ng ayuda at ginagawa nila ang lahat kasama ang DTI upang maibigay ang kinakailangang tulong para sa mga rice retailer.