Connect with us

Aklan News

3.5 % na occupancy rate ng mga housing unit sa Aklan, nakaka-alarma ayon kay SP Member Neron

Published

on

IKINAALARMA ni Board Member Nemesio Neron ang mababang porsiyento ng mga  okupadong yunit ng Yolanda housing project sa lalawigan ng Aklan.

Kasunod ito ng isinagawang joint legislative inquiry ng Committee on Public Works, Housing, Land Use and Urban Relocation; Committee on Laws, Rules and Ordinances, at Committee on Disaster Preparedness and Peace and Order kahapon, Nobyembre a-29.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Neron, inihayag nito na hindi lang milyones ang pondo para sa naturang proyekto kundi nagkakahalaga it ng mahigit P3-billion pesos.

“Nakibot kita kahapon dahil during the inquiry hay nagtuhaw nga ro imbolbado nga kwarta [people’s money] in our province alone is P3-billion plus. Bilyones ta, bukon ta it milyones,” pahayag ni Neron.

Dagdag pa nito, “Yolanda fund pat-a ron”.

Napag-alaman na aabot sa 10,600 ang housing units sa lalawigan kung saan 3.5 percent pa lamang dito ang nagagamit samantalang 6.5 percent pa ang hindi natatapos at abandonado.