Connect with us

Aklan News

3 ANG POSITIVE SA COVID 19 SA AKLAN

Published

on

Kalibo, Aklan – TATLO ang mga kumpirmadong infected ng Corona Virus Disease 19 ngayon sa Aklan.

Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1) 86 years old, lalake, na kasalukuyang naka Strict Home Quarantine sa bayan ng Libacao. Nagkaroon ito ng travel history sa Metro Manila at dumating sa Aklan noong March 10 na meron ng ubo ay sipon at nagpa admit sa DRSTMH noong March 17. Agad itong kinunan ng specimen at pinadala sa RITM. March 21, inilabas ito sa hospital at nagpasialalim sa Strict Home Quarantine kung saan ay nasa stable itong kalagayan.

2) 68 years old, lalake na taga Kalibo at kasalukuyan ngayong naka confine sa DRSTMH at nasa stable na condition. Dumating ito sa Aklan mula sa Manila noong nakaraang March 6 at inuubo at nagpakonsulta noong March 20. Agad itong kinunan ng specimen at pinadala sa RITM.

3) 37 years old na Doctor ng Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital sa Boracay island. May travel history ito sa Manila at nakapagtrabaho pa sa Hospital. Ngunit isinailalim ito sa quarantine sa Aklan Training Center noong nakaraang March 17 matapos nakaramdam ng ubo at sipon. Matatandaan na isinara pansamantala ang Ciriaco Hospital dahil dito.
March 20 ay kinunan ito ng specimen at pinadala sa RITM. Sa ngayon ay nasa stable condition na rin ito at patuloy na naka quarantine sa Aklan Training Center.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuacon, Jr., muling isasailalim sa 14 days quarantine at monitoring ang mga ito bago kunan uli ng specimen para matest uli.

Mananatili muna ang mga ito kung saan sila naka quarantine sa ngayon.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng contact tracing ang PHO at mga health workers para makilala ang mga nakasalamuha nila at para maisailalim kaagad sa quarantine at monitoring o investigation.