Aklan News
3 ARAW NA LANG: SETYEMBRE 30, HULING ARAW NG VOTER’S REGISTRATION


Tatlong araw na lang ang natitira at magtatapos na ang voter’s registration sa Aklan sa Setyembre 30.
Ayon sa tagapagsalita ng COMELEC Aklan na si Crispin Raymund Gerardo, naka-set na talaga ang huling araw ng voter’s registration sa katapusan ng buwan at wala na raw mangyayaring extension ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.
Pero gumawa ng bill ang kongreso na nagnanais na i-extend pa ang voter’s registration ng isang buwan kaya tinitingnan pa nila ang posibilidad nito.
Bagama’t hindi sang-ayon ang COMELEC na i-extend ang voter’s registration sa Oktubre, pinahabaan naman nila ang registration hours ng mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.
May puso naman aniya ang COMELEC lalo na sa mga lugar na isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Mabuti na lang raw na ang Aklan ay ibinaba na sa GCQ ngayong Setyembre.
Dagdag pa ni Gerardo, hinihintay pa kasi ng karamihan ang last hour bago pumunta sa COMELEC.
“Ro aton abi nga mga pamueoya hay uwa gid-a ron nagahueag sa umpisa, nagahueat gidlang pirme it last hour. Ro iba ngani pati ro pagpa change status hay ieagas pa gid aa sa last hour,” saad nito.
Kaugnay naman sa mga hakutan sa voter’s registration, sinabi ni Gerardo na kontrobersiyal lagi ang residence ng mga nagpaparehistro, kaya paalala niya, “Ro aton nga pagparehistro is i-condsider naton nga sagrado. Dapat atun gid nga sundon it matutum.”