Connect with us

Aklan News

3 Ati member nakatanggap ng libreng eye screening at salamin mula sa PHO-Aklan

Published

on

3 Ati member nakatanggap ng libreng eye screening at salamin mula sa PHO-Aklan

Nakatanggap ng libreng salamin at libreng eye screening ang tatlong mga miyembro ng Ati Community sa programa ng Aklan Provincial Health Office (PHO) na “Sight Saving Month Celebration and Eye Health Systems Strengthening and Integration (EHSSI) Project Launching”.

Nasa 30 katao ang nakatanggap ng libreng serbisyo sa programanng ginanap kaninang umaga sa CityMall Kalibo.

Tatlo sa kanila ay mga miyembro ng Ati Community na sina Alicia Javellana, Rosita Pizaro at Jessica Del Rosario na mga residente ng Brgy. Aliputos, Numancia.

Pahayag ni Alicia Javellana, matagal na nitong nararamdaman ang panlalabo ng mata at pananakit ng ulo ngunit walang kakayahan na magpa check-up.

Kaya’t nang ipaabot sa kanila ng munisipyo ang tungkol sa programa ay nagpasalamat ito na sa wakas ay makakapagpatingin na sa mata.

Aniya, magkakaroon na siya ng malinaw na paningin at hindi na rin sasakit ang kaniyang ulo.
Samantala, ang mga benepisyaryo na may matataas na grado ay susukatan at bibigyan ng libreng salamin.

Ang naturang programa ay handog ng PHO-Aklan katuwang ang kanilang mga international
partners na Australian Aid at The Fred Hollows Foundations gayundin ang lokal na gobyerno.