Connect with us

Aklan News

3 KABILANG ANG ISANG LOLO, HULI SA TONG-ITS

Published

on

Huli sa aktong naglalaro ng tong-its ang tatlong indibidwal kasama ang isang lolo sa Brgy. Buenasuerte, Nabas.

Kinilala ang mga naarestong sina Pedro, Mendoza, 59 anyos; Rolly Estimado, 65 anyos at Joevelyn Bado, 30 anyos, lahat mga residente ng Buenasuerte, Nabas.

Sa ulat ng Nabas PNP, nagsasagawa ng mobile visibility ang kapulisan nang makatanggap ng impormasyon na may nagsugugal sa bahay ni Mendoza.

Doon nahuli sa akto ang tatlo kung saan nakumpiska ang perang taya na P279 pesos at barahang ginamit ng mga ito.

Pansamantalang ikinulong sa Nabas PNP ang tatlo habang hinahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Law.