Connect with us

Aklan News

3 lalaki arestado matapos maaktuhang “humihithit” ng shabu sa Pilar, Capiz

Published

on

Arestado ang tatlong lalaki sa Brgy. Natividad, Pilar, Capiz matapos maaktuhan ng kapulisan na humihithit ng shabu sa loob ng kuwarto ng tinuluyan nilang resort.

Kinilala ang mga suspek na sina Rey Engarcial, 33-anyos, mula Lapu-Lapu City, Cebu; Rhandy Tandoy Jr., 22, ng San Nicolas, Cebu City; at Alvin Kho, 48, mula Cagayan De Oro City.

Nasabat ng kapulisan sa mga suspek ang dalawang sachet na may mga residue ng pinaniniwalaang shabu, at dalawang unit ng cellphone.

Narekober pa sa posesyon ni Engarcial ang isang sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at isang cellphone.

Batay sa paunang ulat ng kapulisan, madaling araw ng Byernes nang magcheck-in ang tatlo sa resort. Napansin umano ng caretaker ang kanilang pot session.

Agad nagsumbong sa kapulisan ang caretaker bagay na agad nilang nirespondehan at naaktuhan ang tatlo sa kanilang iligal na gawain.

Nakakulong ngayon sa Pilar PNP Station ang tatlo at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(via kaTodo Butchoy/kaTodo Darwin Tapayan)