Connect with us

Aklan News

3 lalaki, arestado sa drug buy-bust ops ng PDEA aklan sa Kalibo; 15 sachet ng suspected shabu, nasamsam

Published

on

HULI SA AKTONG NAGPO-POT SESSION ang tatlong kalalakihan sa ikinasang drug buy-bust operation ng PDEA Aklan sa New Buswang, Kalibo bandang alas-8 nitong gabi ng Huwebes, Hunyo 19.

 

Kinilala ang subject sa operation na si Raquilino Roldan 44-anyos alyas “Tuk-Tuk” at residente din ng nasabing lugar.

 

Arestado rin ang dalawa pa nitong kasama na sina Raymond Hilario 39-anyos residente rin ng nasabing lugar at Danny Carillo 55-anyos, residente ng Bulwang, Numancia.

 

Nabilhan si “Tuk-Tuk” ng 1 sachet ng suspected shabu kapalit ng P25,000 na buybust money.

 

Nakuha sa subject ang 8 sachet ng suspected shabu at 1 sachet ng marijuana, samantala 4 na sachet naman sa bulsa ni Carillo at 1 sachet sa likod ng upuan ni Hilario.

 

Ang operasyon ay ikinasa sa pinagsanib na pwersa ng PDEA Aklan, Aklan MARITIME Police at Kalibo PNP.

 

Mahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa RA. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | Ulat ni Jisrel Nervar