Connect with us

Aklan News

3 lalaking nagnakaw ng baka sa Ibajay, sinampahan na ng kaso

Published

on

Iniharap na ngayon sa piskalya ang tatlong kalalakihang nagnakaw ng isang baka sa Brgy. Aquino, Ibajay madaling araw nitong Linggo.

Kasong Anti-Cattle Rustling Law ang isinampang kaso sa mga ito na natukoy sa tulong ng CCTV footage.

Napag-alaman na nahuli ang mga suspek sa bayan ng Balete matapos nilang dumaan doon habang sakay ang baka sa multicab para dalhin sana at ibenta sa siyudad ng Roxas.

Inamin naman ng mga suspek ang kanilang ginawa kaya’t kahapon ay agad silang itinurn-over ng Balete PNP sa Ibajay Municipal Police Station.