Connect with us

Aklan News

3 magkakapatid na wanted sa kasong pagpatay, nabingwit ng pulisya

Published

on

Nadakip ang tatlong magkakapatid na wanted sa kasong murder kahapon sa magkahiwalay na operasyon ng mga kapulisan.

Unang nadakip sa Brgy. Fulgencio ang pinakabatang si Welan Egos, 22 anyos ng Brgy. Cortes, Balete.

Sunod na naaresto ang 30 anyos na kuya nitong si Wilmar Egos sa Libas, Banga at pinakahuling nadakip si Wennie Egos, 25 anyos, sa Poblacion, Balete.

Inilabas ang warrant of arrest ng tatlo nito lang Hulyo 18 na pirmado ni Hon. Domingo L. Casiple Jr., Presiding Judge, RTC, 6th Judicial Region, Branch 7, Kalibo, Aklan.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng magkakapatid.