Connect with us

Aklan News

3 MAGKAPATID, PINAPUTUKAN NG BARIL NG ISANG PULIS

Published

on

Kalibo, Aklan – Binalot ng takot ang tatlong magkakapatid na nagbebenta ng barbeque nang paputukan sila ng baril ng isang pulis.

Nangyari ang insidente dakong alas-9 kagabi sa may Crossing Buswang, Kalibo nang mapadaan umano ang suspek na kinilalang si Police Master Sergeant Peter Umiten.

Ayon sa ulat ng Kalibo PNP, bigla umanong tumigil ang nakamotor na suspek na may sakay na isang babae sa harap ng 12 anyos na babaeng biktima at nagmura.

Sunod itong nagpaputok ng baril sa gilid ng bata na tumama sa pintuan ng CR na gawa lamang sa kahoy.

Dahil dito ay lumabas ng bahay si Ruby Villanueva, 20 anyos, na tinutukan din ni Umiten ng baril at pinputukan ng dalawang beses na tumama rin sa pintuan ng CR.

Ito ang nagtulak kay Rona Mae Villanueava, 25 anyos, na hatakin ang kanyang mga kapatid papasok ng kanilang bahay.

Nabatid na bago umalis ang nasabing pulis ay sinipa pa nito ang barbeque stand at natumba.

Narekober naman ng mga otoridad ang 3 fired cartridge na nasa kostudiya na ngayon ng Kalibo PNP at nakatakdang dalhin sa Provincial Crime Laboratory para sa ballistic examination.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente.

Samantala, isang press conference naman ang ipapatawag bukas sa Aklan Police Provincial Office (APPO) may kaugnayan sa nasabing pangyayari.