Aklan News
3 nagvandal sa Kalibo pinag-public apology ni Mayor Juris
Nag-public apology ang tatlong idibidwal na itinuturong responsable sa bandalismo sa isang public property sa bayan ng Kalibo.
Kahapon, ipinatawag ng alkalde ang tatlong suspek na natukoy ng Municipal Intelligence Division sa tulong ng CCTV.
Isa sa mga suspek ay 25 anyos na taga Kalibo habang ang dalawa naman ay napag-alamang magkapatid na 18 at 23 anyos na pawang mga taga Sigcay, Banga.
Sa kanilang pagharap, ipinaliwanag ng tatlo na nagawa nila ang bandalismo para ipaabot sa LGU ang nais nila na mabigyan din sila ng importansya para magamit ang kanilang expertise sa pagpinta bilang artist.
Hindi na sasampahan ng kaso ang tatlo pero pinagbayad sila ng P500 na multa, community service at papipinturahan sa kanila ang Public CR na ginawan nila ng bandalismo.