Aklan News
3 patay sa COVID-19, kabuuang bilang ng mga nag-positibo, umabot sa 126
3 ang naitalang nasawi ngayong araw, Hulyo 19, 2021 dahil sa COVID-19, habang umabot naman sa 126 ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa Aklan.
Mula sa pinakahuling ulat ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), ang bayan ng Ibajay ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na umabot ng 32. Pumangalawa naman ang bayan ng Kalibo na may 22, at pangatlo naman ang Makato na may 19 kumpirmadong kaso.
Narito naman ang bilang ng mga nag-positibo sa bawat bayan:
Altavas: 4
Banga: 1
Batan: 3
Buruanga: 1
Ibajay: 32
Kalibo: 22
Lezo: 6
Madalag: 14
Makato: 19
Malay: 17
Nabas: 2
New Washington: 1
Numancia: 3
Tangalan: 1
Patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat, at pinapayuhang sundin ang mga health protocols kontra COVID-19.