Connect with us

Aklan News

3 PINOY, 1 DAYUHAN, INARESTO NG NBI SA PAGTATAYO NG PROPERTY SA FORESTLAND NG BORACAY

Published

on

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Pinoy at isang banyaga dahil sa pagtatayo nila ng property sa mga tinaguriang forestland ng Boracay Island.

Pinangunahan ng NBI ang pag-aresto sa mga indibidwal na sina Dhelmar Evangelo, 29 anyos at Gerald Alapag, 29 anyos, kapwa taga Brgy. Yapak; Mark Bernard Alcantara, 42 anyos at Ludwig August Borchers, 69 anyos parehong taga Brgy. Balabag.

Kasong paglabag sa PD 705 “Revised Forestry Code of the Philippines”ang kahaharapin ng mga nabanggit na indibidwal.

Naganap ang pag-aresto dakong alas-5:00 kahapon, Setyembe 21, 2021.

Matatandaan na noong Nobyembre ng nakaraang taon, 10 indibidwal kabilang ang 4 na dayuhan at 6 na Pinoy ang inaresto ng NBI dahil din sa paglabag sa National Forestry at Environmental laws.