Connect with us

Aklan News

3 SUGATAN SA BANGAAN NG TRAYSIKEL AT MOTORSIKLO

Published

on

3 SUGATAN SA BANGAAN NG TRAYSIKEL AT MOTORSIKLO

Ospital ang bagsak ng tatlong indibidwal sa nangyaring banggan ng isang traysikel at motorsiklo sa harap ng Ati-atihan Pension House sa Brgy. Estancia, Kalibo kaninang madaling araw.

Kinilala ang driver ng traysikel na si Wegie Balucan, 50 anyos, ng Brgy. Pagsanghan, New Washington, Aklan at ang kanyang asawa na si Carina Balucan na sakay ng traysikel.

Samantala, kinilala naman ang drayber ng motor na si John Paul Lozada, 29 anyos ng Sitio Guba Brgy. Tigayon, Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, papunta sa Banga ang direksyon ni Lozada nang mag-overtake ito sa kasunod na sasakyan at bumangga sa traysikel na papunta naman sa direksyon ng Kalibo.

Sa lakas ng pagkakabangga, basag ang headlight ng motor at yupi ang sidecar ng traysikel.

Dinala naman sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima matapos bigyan ng paunang lunas.