Connect with us

Aklan News

3 SUGATAN SA INSIDENTE NG PAMAMARIL AT PANANAGA DAHIL SA AWAY SA LUPA

Published

on

Banga – Dahil umano sa away sa lupa, tatlo ang sugatan sa insidente ng pamamaril at pananaga pasado alas 9:00 kagabi sa San Isidro, Banga.

Nakilala ang biktima na si Joselito Mallari, 58 anyos ng nasabing lugar, at ang tatlong suspek na sina Allen Dela Cruz, 40 anyos ng Linabuan Sur, Banga; Jimboy Placido, 23 anyos ng Culasi, Antique, at Roel Placido, sa legal na edad, lahat nagtatrabaho sa isang farm sa naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, galing umano sa inuman sa isang birthday sa bahay ng kanilang pinagtatrabahuan ang tatlo, nang sulungin ng mga ito ang bahay ng biktima.

Sinasabing unang dumating at nakapasok sa bahay ng biktima si Allen na may dalang kutsilyo at kinumpronta kung bakit sila idinadamay sa away nilang magkapatid sa lupa na kanilang pinagtatrabahuan.

Ilang sandali pa, sumunod ang mga suspek na katrabaho ni Allen, na sina Jimboy na may dala umanong baril na buga, habang itak naman ang dala ni Roel.

Base pa sa imbestigasyon, nagkumprontahan hanggang sa magtagaan sina Joselito at Allen sa loob ng bahay, habang umikot sa labas ng bahay sina Jimboy at Roel.

Sinasabing sa labas ng bintana pinaputukan ni Jimboy ang biktima na tinamaan sa leeg, habang nataga rin nito si Allen.

Dahil sa nangyari, nakaakyat sa ikalawang palapag ang asawa at ilan sa mga naroong anak ng biktima, at doon narin umano nito pinaputukan ng kanyang kalibre .22 na baril ang mga suspek kung saan tinamaan sa si Jimboy sa paa.

Kaagad dinala sa pagamutan ang mga nasugatang sina Joselito, Allen at Jimboy, habang nakatakas naman ang suspek na si Roel.

Kasalukuyan namang inihahanda ng Banga PNP ang kaukulang kaso sa mga naturang suspek habang naka hospital arrest ang dalawa sa mga ito.