Connect with us

Aklan News

3 SUGATAN SA MAGKAHIWALAY NA AKSIDENTE SA KALSADA

Published

on

Tatlo ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada kagabi sa bayan ng Kalibo.

Sa ulat ng Kalibo PNP, unang nangyari ang aksidente mag-a-alas 6:30 kagabi sa Barangay Pook kung saan nakilala ang biktimang si Aljun Sauza, 26 anyos ng Old Buswang, Kalibo, na sinasabing nasa impluwensiya ng alak.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nag-overtake umano sa sinusundang sasakyan ang nagmomotorsiklong biktima, subali’t sumalpok naman sa kasalubong na top-down traysikel.

Dahilan upang tumilapon mula sa motorsiklo ang biktima at nagtamo ng sugat sa kanyang katawan.

Sumunod naman ang isang aksidente alas 7:30 kagabi sa may Andagao nang sumalpok ang isang motorsiklo sa likod ng isang SUV.

Nakilala ang biktimang motorista na si Enrique Rembulat, 42 anyos ng Mabilo, Kalibo.

Sa imbestigasyon, paliko umano papasok sa Roz & Angelique’s ang nasabibg SUV mula Kalibo nang mabangga sa likod ng nasabing motorsiklo.

Sumemplang ito sa kalsada kung saan nagtamo ng sugat sa kanyang katawan.

Nauwi naman sa areglo ang insidente.

Samantala sugatan naman ang isang rider ng motor matapos umanong mahulog sa butas ng ginagawang drainage sa bahagi ng Estancia sa may national highway.

Nakilala ang biktimang si Mark Alvin Flores, 30 anyos ng Manoc-manoc, Boracay.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing umano sa Banga papuntang Kalibo ang biktima, subali’t hindi umano nito nakita na may ginagawang drainage doon kung kaya’t nahulog ito sa butas at nawalan ng malay.

Kaagad naman siyang dinala sa ospital kung saan siya ginagamot sa kasalukuyan.

Nabatid na matagal na umanong inirereklamo ng ilang mga residente malapit sa lugar ang nasabing butas.