Connect with us

Aklan News

3 TURISTA, BUKING SA PAGGAMIT NG PEKENG RT-PCR RESULT

Published

on

Boracay – Hindi na nakapag enjoy pa sa isla ng Boracay ang tatlong turista matapos mabuking na peke pala ang kanilang RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) Result.

Ayon kay PLT. Col. Don Dicksie Lukban De Dios, hepe ng Malay PNP, nitong nakaraang Miyerkules, bandang alas 9:00 ng umaga nang dumating sa Caticlan ang mga nasabing turista na pawang mga taga Silang, Cavite.

Base pa sa report, alas 10:00am din mismo ng dumating ang tatlo sa tinutuluyang resort sa station 3, Manoc-manoc, Boracay.

Matapos namang matanggap ng mga pulis ang impormasyon mula sa Aklan Tourist Validating Team hinggil sa pagkakadiskubre na fake ang kanilang RT-PCR result na sinumite, kaagad namang kinuha ang mga ito at dinala sa isang quarantine facility sa Kalibo para sa karampatang disposisyon.

Samantala, sinabi pa ni De Dios na sasampahan ng kaso ang tatlo dahil sa paglabag umano nila sa Article 175 of the RPC (Revised Penal Code) o paggamit ng pekeng dokumento.