Connect with us

Aklan News

3 wanted person arestado sa Jamindan dahil sa kasong paglabag sa RA 7610

Published

on

Arestado ang tatlong wanted person sa Brgy. Lucero, Jamindan, Capiz dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Kinilala ang mga akusado na sina Ruben Valiente, 56-anyos, isang construction worker; Evelyn Valiente, 38-anyos, housekeeper; at Jericho Valiente, 18, mga residente ng nasabing lugar.

Isinerbe sa kanila ang warrant of arrest ng mga tauhan ng Jamindan PNP sa pangunguna ni PCPT John Pisuena at mga tauhan ng Crime Investigation and Detection Group – Capiz sa pangunguna ni PMAJ Chris Arthemius Devaras.

Ang warrant of arrest ay ibinaba at nilagdaan ni Judge Judith Tonogbanua nito lang Enero 13, 2020.

Php80,000 bawat isa ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang ikinulong sa lock-up cell ng Jamindan PNP ang tatlo para sa kaukulang disposisyon.