Aklan News
30 KABATANG NEGOSYANTE NA OUT-OF SCHOOL YOUTH, NABIGYAN NG PANG KAPITAL


Nakatanggap ng maagang pamasko mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 30 batang estudyante na out-of-school youth (OSY) sa Kalibo nitong December 2.
Kasama ang mga ito sa 64 benepisyaryo na kinabibilangan ng mga Kalibo Public Market vendors na binigyan ng ayuda.
Tinukoy ang 30 kabataang benepisyaryo sa tulong ng Local Government Unit of Kalibo mula sa Youth Development Division ng Municipal Social Welfare and Development Office.
Mithiin ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD na ito ay makatulong sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapital para magsimula ng negosyo.
Layon din ng lokal na pamahalaan na mapanatili ng mga ito ang kanilang kapital na natanggap kaya gumawa ng sistema ang Municipal Social Welfare and Development Office na kung saan tutulungan silang makapag-ipon gamit ang perang natanggap mula sa gobyerno.