Connect with us

Aklan News

WALANG KATOTOHANAN ANG MGA AKUSASYON SA MALAY PNP CHIEF AYON SA RESULTA NG PNP VALIDATION

Published

on

HINDI TOTOO o walang katotohanan ang mga akusasyon laban kay Malay PNP Chief PLt.Col Don Dicksie De Dios batay sa resulta ng PNP validation ayon kay Aklan Police Provincial Office (APPO) Director PCol Crisaleo Tolentino.

Ayon kay PCol Tolentino, nasagot na ang isyung ito at nakapagbigay na rin sila ng report sa kampo crame patungkol dito batay na rin sa naging resulta ng validation.

Aniya, hindi ang kampo ni hepe ang kinuha ng validating team kundi ang mga tao na nabanggit sa ipinadalang sulat ng isang concerned citizen sa PNP Regional Office VI.

Lumalabas raw na ang sulat ay ‘poison letter’ lamang dahil hindi ito suportado ng isinagawang actual validation.

Pinawalang totohanan kasi ng mga taga La Carmela ang mga paratang kay De Dios at maganda raw ang pakikitungo ng hepe sa kanila.

Maging ang salon na nasa harap ng Malay Police Station ay walang reklamo sa hepe at sa katunayan ay may mga naipakita itong mga resibo ng transaksyon ng kanyang bayad sa gcash.

“He was able to show mga resibo ng mga transaction payment nila thru gcash dun sa parlor. Okay naman sila wala naman silang reklamo,” saad ni Tolentino.

Pati aniya ang rice allowance na ibinibigay ng LGU Malay ay hindi totoo na naconvert sa cash dahil imposible itong ma-encash dahil may scheme silang sinusunod na hindi pwedeng maencash.

Sinabi pa ni Tolentino na kung totoo man ang mga alegasyon laban kay De Dios ay maaari silang mag-execute ng affidavit o maghain ng pormal na reklamo.

“Generally, ang masasabi ko dun sa letter na yon ay parang yun nga, hindi supported sa actual validation ng fact. In fact, I’m also encouraging other parties to contact all those persons na namention dun sa letter kung toto man. Kung totoo man ay pwede na silang magreklamo o mag-execute ng affidavit against De Dios kung meron man siyang ginagawang hindi maganda,” giit ni APPO director.

Nilinaw rin niya na hindi nila kinukunsinti ang mga masamang gawain ng mga kapulisan at kung mayroon mang ganon ay kailangan itong tanggalin sa serbisyo.

“Kami sa PNP hindi kami nagtotolerate ng ganon in fact ang sabi ng ating chief PNP, black eye yan kung meron mang ganyan na ginagawa ang ating mga kapulisan, those are only few percentage ng ating whole organization. Kung meron mang ganon, kailangan natin iyang tanggalin sa serbisyo,” pananapos ni Tolentino.