Aklan News
34 na nakasalamuha ng COVID-19 positive sa Boracay, natunton na
Natunton na ng Malay Inter-Agency Task Force (MIATF) ang 34 na mga taong nagkaroon ng direktang contact kay Western Visayas patient 144 at ng iba pang staff BFP region VI na pumunta sa Boracay.
Ayon kay MIATF spokesperson Madel Joy Tayco, sila ang mga taong nakasalamuha ng COVID-19 patient mula ng dumating sila sa Tabon port hanggang sa umalis sila ng Boracay.
Kasalukuyan nang naka facility quarantine ang mga ito at naghihintay na makuhaan ng swab test.
Labis ang pagkadismaya ng LGU Malay sa insidente lalo pa at nahirapan silang makipag-ugnayan sa BFP para makakuha ng detalye ukol sa iba pang mga nakasalamuha ni WV 144.
Samantala, nabatid na hindi pa nabibigyan ng Certificate to Operate ang hotel na tinuluyan ng mga BFP personnel sa Boracay nang mag-operate ito, tinitingnan na rin nila kung ano ang pananagutan ng nasabing hotel.
Sa kabila ng insidente, nilinaw ni Tayco na hindi na kailangan pang maglockdown o ibalik sa General Community Quarantine (GQC) ang Malay dahil sa insidente.
Nito lamang June 16, 2020 binuksan ang Boracay sa mga turista mula sa Western Visayas.