Connect with us

Aklan News

34 tribu magpapasiklaban sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2025

Published

on

Nasa 34 na tribu ang maglalaban-laban sa iba’t-ibang kategorya ng inaabangang Kalibo Sadsad Ati-Atihan Festival contest sa darating na January 2025.

Ayon kay Boy Ryan Zabal, chairman sa Committee on Sadsad and Parade ng Kalibo Ati-atihan Festival Board (KAFEB) nagtapos na deadline ng registration ng mga grupo nitong August 9, 2024.

Pinakamarami ang sumali sa Modern tribe na may 11, 7 naman sa Big Tribe, 9 sa Small Tribe at 7 sa Balik-ati Category.

May mga tribu umano na umayaw at mayroon namang mga grupong bumalik sa pagsali.

Dumaan umano sa evaluation ang mga ito at hindi basta-basta dahil ang mga napili nila ay mga grupong nanalo at may mga napatunayan na sa kanilang mga local festivals.

Kaugnay nito, makukuha aniya ng mga mga ito unang tranche ng subsidy mula sa Kalibo Ati-Atihan Festival Board (KAFEB) at LGU ngayong August, ito ay para mas makapaghanda ng maaga ang mga grupo at makatipid sa mga materyales na gagamitin sa paggawa ng costume.

Makakatanggap ng tig P120,000 cash assistance ang mga Tribal big group, P90,000 ang Tribal Small, P70,000 sa Modern Tribal at P60,000 sa Balik Ati.

Ang Kalibo Sadsad Ati-Atihan contest ay nakatakda sa January 18, 2025, araw ng Sabado.