Aklan News
35 NA POSTE SA BAYAN NG KALIBO TARGET SA RETIREMENT ACTIVITY NG AKELCO


35 NA POSTE SA BAYAN NG KALIBO TARGET SA RETIREMENT ACTIVITY NG AKELC
Magsasagawa ng retirement ng mga lumang poste ang Engineering Department ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) sa bayan ng Kalibo bukas, Disyembre 11.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Engr. Janray Subang, OIC Asset Management Division ng AKELCO, target nila ang 35 na mga lumang poste na ma-pull out na para sa nasabing aktibidad.
Aniya, kukunin na nila ang mga lumang poste na hindi nila noon na pull-out dahil sa mga nakakabit na kable ng mga telcos.
Layunin din nitong maayos ang mga poste ng kuryente sa bayan ng Kalibo kung saan kapag naging matagumpay ang naturang aktibidad ay isasagawa rin nila ito sa iba pang bayan sa lalawigan ng Aklan.
Isasabay nila ang naturang aktididad sa scheduled power interruption ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) simula alas 4:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng hapon.
Kaugnay nito, nanawagan si Subang sa lahat ng member-consumer ng AKELCO ng pag-intindi habang isinasagawa nila ang retirement ng mga lumang poste.