Aklan News
LGU Kalibo, balak magtayo ng isa pang RHU?


Plano ngayon ng lokal na pamahalaan na magpatayo ng ikatlong Rural Health Unit (RHU) sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Sangguniang Bayan member Ronald Marte ang pondong gagamitin para dito ay mula sa Department of Health (DOH).
“Ro matabo karon hay magabutang kita it Rural Health Unit (RHU) nga ika-3 kasi may aton eon nga RHU 1 ag RHU 2,” ani Marte.
Sa ngayon ayon sa konsehal, may 89K na populasyon ang Kalibo kung kaya’t kailangang magkaroon ng apat ng RHU.
Dagdag pa nito, “Kumbaga mabahoe nga bagay ra for Kalibo…parang district hospital imaw nga pwede ro ultrasound, may XRay or kung ano pa nga kinahangeanon.”
Maliban pa ito sa Health and Birthing Facility na mayroon ang Kalibo.
Malaking tulong ito para sa mga Kalibonhon lalo na sa aspetong medikal.