Connect with us

Aklan News

375 kandidato, nag-file ng coc sa Aklan

Published

on

KABUUANG 375 na mga kandidato ang nag-file ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay batay sa datos ng Provincial Comelec Office.

Mula sa nasabing bilang, tatlo ang tatakbo sa posisyon ng pagka-gobernador at dalawa sa pagka-bise gobernador ng lalawigan.

Habang pito naman ang nag-file para sa member ng House of Representatives sa una at ikalawang distrito ng Aklan at 18 kandidato naman ang tatakbo sa Sangguniang Panlalawigan members.

Mayroon namang 345 na tatakbo para sa pagka-alkadle, bise alkalde, at Sangguniang Bayan mula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan.