Aklan News
38-ANYOS NA COVID-19 PATIENT, NAMATAY HABANG NASA QUARANTINE FACILITY
Binawian ng buhay ang isang 38-anyos na pasyenteng may COVID-19 na dinala sa isolation facility sa Kalibo kahapon (August 6).
Batay sa ulat, Agosto 3 nang dalhin ang pasyente sa isang quarantine facility sa may Kalibo Airport matapos mapag-alaman na nagpositibo ito sa sakit matapos magkaroon ng contact sa isang COVID-19 positive.
Sinasabing may sakit sa kidney ang nasabing pasyente pero asymptomatic naman ito.
Dapat sana ay, naka-schedule siyang mag-padialysis kagabi pero napansin ng isang staff sa isolation facility dakong alas-5 kahapon na hindi pa nito nakukuha sa ang kanyang pananghalian kaya binuksan nila ang kanyang silid at nabatid na wala na itong buhay.
Kinumpirma ito ni Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, aniya, nakadepende sa assessment ng doktor kung kailangan i-admit sa ospital ang pasyente o hindi.
Pinaliwanag pa nito, hindi naman lahat ng COVID-19 positive na may comorbidity ay kailangan i-admit dahil naka depende pa rin ito sa assessment ng doktor.