Aklan News
38 fire incidents, naitala sa aklan sa unang apat na buwan ng 2025 – BFP-Aklan


Nakapagtala ng 38 na fire related incidents ang BFP- Aklan simula Enero hanggang Abril ngayong taon sa lalawigan.
Ani SFO1 Paulo Vicente Neptuno ng BFP-Aklan, ”For this year, from January to present, we only have 38 fire incidents, so far.”
Ayon pa sa datos ng BFP, ito’y mas mababa kumpara sa 90 fire incidents na naitala simula Enero hanggang Abril, ng nakaraang taon.
Ilan sa mga pinaka-common na dahilan ng sunog sa probinsya ay ang electrical causes, napabayaang mga kandila, at naiwang mga ningas o open flames.
Bagaman laging pinapaalala ng Fire Department sa publiko ang pag-iingat, hinihimok naman nito sa bawat indibidwal na unahing tumawag ng bumbero kung sakaling may mangyaring sunog.l Ulat ni Arvin Rompe