Aklan News
397 accommodation establishments sa Boracay, pwede nang mag-operate sa October 1


Umabot na sa 397 ang mga accommodation establishments sa Boracay na maaari nang magbukas at tumanggap ng turista sa darating na October 1.
Sa 397, 25 dito ay hotels, 80 ang resorts at 292 ang Mabuhay accommodations o accommodation para sa mga low-end sectors.
Nagbigay ang Department of Tourism (DOT) ng certificates of authority to operate (CAO) sa mga establisyemento para muling makapagsimula ng operasyon sa ilalim ng community quarantine.
Pinaalalahanan ng DOT ang mga turista na may planong bumisita sa Boracay na i-check ang listahan ng mga accommodation establishments na accredited ng ahensya.
Nitong Huwebes, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagbukas ng isla sa mga turista mula sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ.)
Ang mga turista ay kailangan sumailalim sa swab test o reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa loob ng 48-72 bago bumiyahe.