Connect with us

Aklan News

4 babae na nambudol ng customer, sasampahan ng kaso ngayong araw; kasamang menor de edad, nakatakdang i-release

Published

on

Isasailalim na sa inquest proceedings ng PNP ang apat na kababaihan matapos mambudol ng isang ginang sa bayan ng Kalibo.

Ang mga ito ay residente ng Dasmarinas,Cavite ngunit pansamantalang nakatira sa Dionela, Pandan, Antique.

Kung matatandaan, tumigil sa tindahan ng biktima ang naturang mga suspek para maghanap ng tig-P20 coins na kanila umanong bibilhin ng P2,000 bawat isa.

Naglabas naman umano ng 25 pieces ng coins ang biktima at nagpakita rin ng P50,000 ang mga suspek bilang patunay na sila’y may pangbayad.

Ngunit habang nag-uusap umano sila ay biglang kinumbinsi ng isa sa mga suspek ang biktima na hubarin ang kaniyang 18 karat na alahas na suot para i-check kung ito ay tunay.

Hindi naman napansin ng biktima na pinatakan na pala ito ng asido ng mga suspek dahilan para ito’y bahagyang kumupas.

Dagdag pa umano ng suspek, gold plated lamang ang kaniyang alahas at bibilhin nalang nila sa halagang P3,000.

Nag-iwan umano ang mga suspek ang P10,000 bilang kabuuang bayad ngunit biglang napagtanto ng biktima na siya’y naloko kaya’t agad itong nag report sa mga kapulisan.

Mabilis namang naaresto ang mga suspek at ikinustodiya sa Kalibo PNP station at mahaharap sa kasong paglabag sa Revise Penal Code Article 318 or “Other Deceits”.

Samantala, ire-release naman ng mga kapulisan ang kasama nilang menor-de-edad.

Napag-alaman na modus lamang ng mga kababaihan ang pagbili ng coins at alahas at sinasadya nilang pinapatakan ng asido ang alahas  at kapag nasira ay bibilhin na lamang nila sa murang halaga.