Aklan News
4 foreigners, 6 na pinoy, inaresto ng NBI sa paglabag sa National Forestry at Environmental laws
Boracay island – KINASUHAN na sa Aklan Prosecutor’s Office ang 10 indibidwal na lumabag sa national forestry at environmental laws at inaresto ng mga taga National Bureau of Investigation kahapon sa isla ng Boracay.
Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni NBI SpeciaI Investigator Rizaldy Rivera na lumabag ang mga ito sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines at naaresto ang mga ito sa pamamagitan ng warrantless arrest dahil sila ay ‘caught in the act of committing a violation’.
Kinilala ang mga foreign nationals na sina:
1. Dirk Jozef Dirk Michielen, 55 anyos, Belgian,
2. Mark Charles Harrington, 62 anyos, British,
3. Stephen David Field, 49 anyos, British,
4. Maria Victoria Vidallo Schafer, 37 anyos, Australian,
Ang mga pinoy ay sina:
1.Mary irish Buniel Guerra, 37 anyos,
2. Paul Taborda Sajise, 55 anyos,
3. John Sumalaysay Jacinal, 38 anyos,
4. Arturo Mendoza Revillame, 72 anyos,
5. Oscar Bandiola De los Santos, 65 anyos,
6. Patricia Ann Gustilo Varga, 56 anyos.
Sinabi pa ni Rivera na tuloy-tuloy at marami pang kasunod ito hanggat may mga lumalabag ng mga violations sa Boracay.
Mayroon umanong inisyu na notice to demolish sa mga istraktura sa Boracay noong 2018 pa kaya alam nila ang kanilang violations pero patuloy nila itong isinasawalang bahala.
Umapela ang NBI na kung maaari, ang mga nasa forest land na infrastructures, houses, commercial establishments at mga apartments pati na ang mga nakapasok sa 25+5 easement ay umalis na o magdemolish na.