Connect with us

Aklan News

4 NA ASPIRANTE SA AKLAN, NAG-WITHDRAW NG KANILANG KANDIDATURA SA 2022 POLLS

Published

on

Humabol sa huling araw ng filing for withdrawal ng Certificate of Candidacy (COC) at substitution sa Commission on Elections (Comelec) ang apat na mga aspirante sa Aklan.

Ito ang kumpirmasyon ni Comelec-Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo na tatlong aspirante sa Sangguniang Bayan at isa sa Sangguniang Panlalawigan na mula sa ikalawang distrito ng Aklan ang nag-withdraw ng kanilang kandidatura sa darating na 2022 national and local elections.

Ang nasabing mga aspirante ay sina SB aspirants mula sa bayan ng Ibajay na si John Garcia at Jake Villanueva at parehong nasa ilalim ng partidong UNA.

Samantala, mula sa bayan ng Lezo ay nag-file naman ng withdrawal si SB aspirant Marilou Arcenio sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan na pinalitan naman ng kanyang kapartido na si Norberto Ponce.

Sa provincial level naman ay njag-withdraw ng kanyang COC si Jonathan Vergara na aspirante sana sa Sangguniang Panlalawigan sa Segundo distrito ng Aklan.

Ipinahayag ni Gerardo na ang mga inihaing withdrawal ng nabanggit na mga aspirante ay pinal na maliban sa humalili na si Ponce na isinumite na sa Legal Department ng Commission on Elections ang kanyang Certificate of Nomination and Acceptance o CONA.

Nauna nang sinabi ni Comelec-Aklan Spokesperson Gerardo na ang filing for withdrawal ng COC ay dapat ihain ng personal sa opisina ng COMELEC kung saan siya unang nag-file ng kanyang COC alinsunod Omnibus Election Code.

Samantala ang substitution by death at disqualification ay pinapayagan pa hanggang sa araw mismo ng election.