Aklan News
4 na babaeng nakulong sa pambubudol, nakapagpiyansa
Nakapaglagak ng piyansa ang 4 na kababaihang kinulong dahil sa umano’y pambubudol sa isang ginang sa Kalibo.
Matatandaang, inereklamo sila ng isang ginang na may-ari ng tindahan sa Kalibo matapos nila itong mabudol sa pamamagitan ng pagbili ng mga 20 pesos na coins kapalit ng P2,000 at ang pagpatak nila ng asido sa alahas ng biktima para masira at mabili nila ng mura.
Iniharap ang mga ito sa korte noong Lunes dahil sa kasong paglabag sa Revise Penal Code Article 318 or “Other Deceits” kung saan inirekomenda sa kanila ang piyansang tig P15,000 kada isa.
Samantala, nitong Miyekules ng hapon ay inerelease na ang mga ito sa Kalibo Municipal Police Station matapos maproseso ang mga papeles at makapagbayad ng piyansa ang bawat isa.