Aklan News
4 NA BINATA, TIKLO SA DRUG BUY-BUST
New Washington – Tiklo ang apat na binatang estudyante sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa pamumuno ni Pol. Major Frency Andrade at New Washington PNP pasado alas 5 kahapon sa Sitio Saugan, Brgy Tambak, New Washington partikular sa isang resort.
Kinilala ang mga arestado na sina Ruby Freyl Tabulinal, 20 anyos ng Brgy New Buswang, Kalibo, Von Gielo Ambrosio, 19 anyos ng Brgy. Ambulong Batan, Kennu Dela Torre,19 anyos ng Manocmanoc, Boracay at Angelo Brian Jhon Agustin, 23 anyos ng San Jose, Romblon.
Samantala, nakaligtas naman ang isa nilang kasamahan sa pagkaka-aresto matapos umanong utusan nila ito na may bilhin sa labas.
Ayon sa report, kasalukuyang nagpa-pot session pa ang grupo ng salakayin ng mga otoridad.
Narekober sa mga suspek ang 3 sachets ng marijuana at 1 sachet ng marijuana sa possession ni Tabulinal, mga drug paraparnelias, 2 ka celphones, aluminum foil, P11K kwarta at P3K marked money.
Ayon kay Head of Aklan PDEU Andrade, na mahigit isang taon na nilang isinasailalim sa surveillance si Tabulinal na siyang target ng buy bust.
Ayon pa kay Pol. Major Andrade na halos umaabot sa 30-40% na mga estudyante ang costumer ni Tabulinal na kumukuha pa ng supply ng marijuana online.
Samantala, dinala na ng taga PDEU ang mga suspek sa Iloilo City kaninang umaga para isailalim sa drug test. Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.