Connect with us

Aklan News

4 NA EMPLEYADO NG LGU NUMANCIA, DINAPUAN NG COVID-19

Published

on

numancia aklan covid-19 case update

Nagpositibo sa coronavirus 20219 (COVID-19) ang apat (4) na empleyado sa munisipyo ng Numancia.

Dahil dito, pansamantala munang isasarado ng dalawang araw ang munisipyo batay sa anunsyo ng LGU Numancia.

Magsisimula ito ngayong araw, June 14 – June 15, 2021, para bigyang daan ang disinfection sa lahat ng opisina.

“As per recommendation of the Municipal Health Office and to ensure the safety and protection of our valued clients, employees and officials against the said virus, the Numancia Town Hall will be closed for two (2) days starting tomorrow June 14 until June 15, 2021, to facilitate disinfection of all its offices,” bahagi ng anunsyo.

Isiniguro naman ng munisipyo na ginagawa nila ang lahat para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Batay sa pinakabagong report ng Aklan PESU, may 14 na mga bagong COVID-19 cases na mula sa Numancia.