Aklan News
4 na kalalakihang naglalaro ng cara y cruz, dinampot ng kapulisan
Dinakip ng mga kapulisan ang apat na lalaking nahuling naglalaro ng cara y cruz nitong hapon ng Martes, Mayo 16 sa Brgy. Aliputos, Numancia.
Kinilala ang mga nadakip na sina Ronilo Reyes, 28 anyos; John Erel Isuga, 28 anyos; Ariel Sombria, 43 anyos at Jerome Mabansag, 45 anyos, lahat mga kapwa taga Brgy. Aliputos, Numancia, Aklan
Huli sa akto ang apat sa Anti-Illegal Gambling Operation kung saan nakuha mula sa kanila ang bet money na umaabot sa P3097 at iba pang gamit sa laro.
Kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Law ang kahaharapin ng apat.
Continue Reading