Aklan News
4 na menor-de-edad na sangkot sa bandalismo sa Kalibo, itinurn-over na sa DSWD


ITINURN-OVER na nitong umaga ng Miyerkules sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang apat na mga menor-de-edad na sangkot sa bandalismo sa bahagi ng New Buswang, Kalibo.
Ang apat na mga menor-de-edad ay edad
11 hanggang 15 taong gulang habang ang isa naman ay nasa legal na edad.
Nitong umaga ay dinala na ang mga ito sa MSWDO-Kalibo kasama ng kanilang mga magulang para sa kaukulang disposisyon.
Matatandaang nauna nang naiulat nitong madaling-araw araw ng Martes ang pamimintura ng mga indibidwal sa ilang pader at gate gayundin ng sasakyan sa nasabing lugar. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading