Connect with us

Aklan News

4 na mga batang na-bash matapos maiulat na missing, biktima pala ng pang-aabuso batay sa Malinao PNP

Published

on

Nilinaw ni PCPT. Gelbert Batiles, COP ng Malinao PNP na hindi totoong nawawala ang apat na estudyanteng nabash ng todo sa socmed matapos mailulat na missing nitong Pebrero.

Ang katotohanan aniya ay isinailalim ang mga ito sa kostodiya ng Malinao PNP Station dahil ang mga ito ay naging biktima ng krimen.

Salaysay niya sa Radyo Todo, pasekreto silang isinailalim sa pangangalaga ng Malinao PNP dahil sila ay may complain at mga biktima ng isang krimen.

Dumating sila alas-10 ng gabi nitong Pebrero 16 sa Malinao PNP Station matapos i-rescue ng isang concerned citizen mula sa Boracay.

“Gin assist sanda ra, sanda ra hay halin sa banwa it Malay, partikular sa Boracay. May nagbulig kanda para i-assist dayang mga unga ngara para isugid ro mga krimen nga natabo kanda,” kwento nito sa Radyo Todo.

Paliwanag ni Batiles, ipinaalam nila ng sekreto sa mga magulang ng ibang bata na nasa pangangalaga nila ang mga ito, maliban na lamang kay Jude Adiaton na itinuturong suspek sa krimen.

Kung matatandaan, si Jude Adiaton din ang nagreport sa Makato PNP at nagpost sa social media ng panawagan tungkol sa pagkawala ng mga biktima.

Ayon sa hepe, “Uwa gid-a namon imaw pagpasayura for security reason it mga unga, pero ro ibang ginikanan sayod nanda except kana dahil imaw ro ginaturo nga suspetsado.”

Hindi na binanggit ni Batiles kung anong klase ng krimen ang  ginawa sa mga biktima pero naipasa na nila sa provincial prosecutor ang kaso laban sa suspek.

“Ro krimen abi ngara sir, actually hapasaka eon namon ro kaso sa provincial prosecutor. Ginataw-an namon sanda it tsansa nga sanda ro mag evaluate sa kaso.

“Indi eang anay nakon i-disclose kung ano ang kaso, pero may kaso gid nga ginpasaka kana agod mataw-an naton it hustisya ro mga complainant,” dagdag pa niya.