Connect with us

Aklan News

4 NA SUMUWAY SA LIQUOR BAN SA MALAY, KALABOSO

Published

on

Huli sa aktong umiinom ng nakalalasing na inumin ang apat na kalalakihan kagabi sa Sitio Sinagpa Brgy Balabag, Boracay Island, Malay, Aklan sa kabila ng liquor ban.

Naaresto ng mga kapulisan sina Winceslao Flores, Faustino Mangibin, Royolo Aguilar at Rasty Castillio.

Ayon kay Aklan Police Provincial Office (APPO) Provincial Director Col. Crisaleo Tolentino, patuloy na pinaalalalahanan ng kapulisan ang publiko na sumunod sa ipinatutupad na liquor at gun ban para maiwasan ang mga insidente na posibleng mangyari ngayong eleksyon.

“We have to prevent violence and other threats to peace and order as we come close in concluding May 9, 2022, elections,” saad ni Tolentino.

Sa ngayon, ay wala pa naman aniyang insidenteng nangyayari kaugnay sa election gun ban.

“Let’s make this election the most peaceful ever in our history as a nation,” dagdag pa niya.