Connect with us

Aklan News

4 police station sa Aklan, may bagong patrol car

Published

on

Pinagkalooban ng bagong patrol car ang apat na Municipal Police Station sa Aklan.

Ito ay kinabibilangan ng Kalibo MPS, Buruanga MPS, Madalag MPS at Malay MPS.

Ang mga nabanggit na MPS na recipient ng bagong single-cab 4×2 Toyota Hi-lux Police Patrol vehicle ay pinili ng PNP national headquarter.

Ito ay bahagi ng Capability Enhancement Program ng Philippine National Police.

Isinagawa ang blessing at ceremonial turnover ng mga bagong patrol cars sa Camp General Martin Teofilo B Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City nitong Marso 10, 2023.

Samantala, binigyan-diin ni PRO 6 Regional Director Police Brigadier General Leo M Francisco sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng bawat patrol car sa mga kapulisan.

“Sana ay gamitin natin itong mga bagong patrol cars sa tamang paraan, mainspire ang lahat lalo na ang tatanggap na mas pagbutihin pa ang ginagawang pagpapatrol para sa mamamayan dahil may bago ng sasakyan,bat para maabot natin ang aim natin sa MKK=K,” pahayag ni Francisco.