Connect with us

Aklan News

4 SUGATAN SA MAGKAHIWALAY NA AKSIDENTE SA KALSADA

Published

on

Apat ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada bandang alas 8:40 kagabi sa Bugasungan, Lezo.

Nakilala ang mga biktima na sina John Mark Reloj, 25 anyos ng Tambuan, Malinao na driver ng motorsiklo, at angkas nitong si Nicole Briones, sa legal na edad; Imelda Timola, 53 anyos ng Poblacion, na siya namang driver ng traysikel, at pasahero nitong si Gie Ann Dimass, 25 anyos ng Sta.Cruz, Lezo.

Base sa imbestigasyon ng Lezo PNP, pauwi na umano noon sina Timola at Dimass, nang makita umano nila ang nakamotorsiklong sina Reloj at Briones.

Umagaw umano ang mga ito sa kanilang linya, rason na tumabi sila, subalit nabangga parin ng dalawa.

Resulta, nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang mga biktima, subalit sinasabing tumakas kaagad sina Reloj.

Kaagad namang rumesponde at nag-imbestiga ang Lezo PNP sa insidente, kung saan nabatid na muling naaksidente sa Laguinbanwa East, Numancia sina Reloj at Briones.

Samantala, lumalabas naman sa imbestigasyon ng Numancia PNP, na papunta umano sana ang dalawa sa direksyon ng Kalibo, subalit nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Reloj at bumangga sa isang poste doon.

Dahilan upang nagtamo din ng sugat sa katawan ang dalawa na kaagad ding isinugod sa ospital.

Samantala, kinumpirma naman ng Lezo PNP na kasalukuyan pang ginagamot ang naka hospital arrest na si Reloj dahil sa mga posibleng kaso na kanyang kakaharapin, at ang dalawa pang biktima, maliban umano kay Timola na kaagad ding nakalabas ng ospital dahil hindi naman malubha ang tinamo nitong pinsala sa katawan.