Aklan News
4 sugatan sa salpukan ng dalawang traysikel sa Laguinbanwa East, Numancia
Naka-admit ngayon sa ospital ang drayber ng isang traysikel at tatlo nitong pasahero matapos masangkot sa aksidente sa Laguinbanua East, Numancia.
Kinilala ang drayber ng traysikel na si Dindo Tapleras, 38 anyos, ng Tugas, Makato at ang mga pasahero nitong sina Freddie Joy Tutay, Dysan Mae Gonzales at Ema dela Cruz.
Nangyari ang aksidente Miyerkules ng hapon habang binabaybay ni Tapleras ang kahabaan ng national highway ng Numancia papuntang Kalibo.
Sinasabing inagaw ng kasalubong na traysikel na minamaneho ni Juanito Legaspi, 47 anyos, ng Vivo, Tangalan ang kanyang linya kaya sila nagsalpukan.
Isinugod sa ospital si Tapleras at ang tatlo nitong pasahero dahil sa mga tinamong sugat.
Tumanggi naman na magpaospital si Legapsi at ang mga sakay nito.
Pagsamantala munang ikinustodiya ng Numancia PNP si Legaspi para sa kaukulang disposisyon.