Connect with us

Aklan News

4 TURISTA NALAMBAT SA TABON PORT MATAPOS GUMAMIT NG TAMPERED NA RTPCR TEST RESULT

Published

on

Huli ang apat na lalaking turista matapos gumamit ng tampered na RT PCR test result para maka pasok sa Isla ng Boracay.

Ayon Kay Lt. Col Don Dicksie De Dios ng Malay PNP na mga dakong 6:00 kagabi ay na hold sa Tabon Port Caticlan ang apat na turista na mga taga NCR.

Na detect umano ng mga staff ng Tabon port na tinampered nila ang petsa ng kanilang ipinakitang RTPCR test result.

Kagabi ay kaagad dinala sa Quarantine Facility sa Bayan ng kalibo ang apat na turista na nakatakda namang isailalim sa swab test ngayong araw.

Sinabi ni Lt.Col De Dios na sasampahan nila ng kasong pag labag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases at Article 172 of Revised Penal Code o Use of Falsified Documents ang mga nasabing turista.