Aklan News
4 vaccine refrigerators pormal ng itinurn-over ng LGU-Kalibo para sa routine immunization


Pormal nang itinurn-over ng Local Government Unit (LGU) Kalibo ang apat na Vaccine Refrigerators para sa Routine Immunization sa kabaranggayan sa bayan ng Kalibo.
Ang naturang refrigerator units ay tinanggap ng mga midwife mula sa Barangay Linabuan Norte, Tinigao, Andagao, at Tigayon.
Ito ay malaking tulong upang hindi na sila magtungo sa RHU Birthing Center tuwing may vaccination drive ang mga nabanggit na mga barangay.
Pinangunahan naman ito ni Kalibo Mayor Juris Sucro, Vice Mayor Cynthia Dela Cruz, Municipal Health Officer Dr. Jocelyn Garcia, at Nurse III Lorenz Laserna.
Maliban sa turn-over ay ininspeksyon rin nila ang paligid ng RHU Birthing Center sa N. Roldan Street, Kalibo.
Continue Reading