Aklan News
415 NEW COVID-19 CASES BAGONG NAITALA SA AKLAN
Dagdag na 415 COVID-19 cases ang naitala sa lalawigan ng Aklan sa dalawang magkasunod na araw.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, umabot sa 57.5% ang positivity rate ng COVID-19 cases noong August 1, dahil sa nailistang 238 positive cases mula sa 414 swab samples.
Bukod pa rito, may dumagdag na 177 positibong kaso kagabi (August 2), mula sa 400 samples na isinailalim sa testing.
May dalawa rin aniyang namatay sa COVID-19 kahapon na ililibing sa loob ng 12 oras mula nang bawian ng buhay ay mga ito dahil na rin sa hindi na tumatanggap ng bangkay ng COVID-19 positive ang crematorium sa Iloilo sa dami ng mga natatanggap nitong bangkay araw-araw.
Dagdag pa ni Cuachon, hindi pa dapat asahan ang pagbaba ng mga kaso sa lalawigan sa mga susunod na araw dahil marami pa ang mga naka-admit sa ospital at ang mga nacontact trace na mga high at moderate risk.
Nagpapadala na ang Aklan ng mga specimens sa Western Visayas Medical Center dahil sa dami ng mga naka-pending na swab specimens sa Aklan Molecular Laboratory.
Ngayong araw, 197 swab specimens ang ipapadala ng Aklan sa WVMC.