Connect with us

Aklan News

42 anyos na lalaki, nasawi matapos pagsasaksakin ng apat na suspek sa isang lamay

Published

on

Dead on arrival sa ospital ang isang 42 anyos na lalaki matapos pagtulungang saksakin ng apat na mga suspek sa isang lamay kaninang madaling araw sa Brgy. Daja Sur, Banga .

Kinilala ang biktimang si John Erick Iremedio ng Brgy. Navitas, Malinao at ang mga magkakapamilyang suspek na sina Johnny Montuya, Jason Montuya, Jun Montuya at Ramil Montuya.

Batay sa ulat, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima dahil sa tinamo nitong malalaking sugat sa mukha, ulo, dibdib at iba pang parte ng katawan.

Tumakas naman ang mga suspek pagkatapos ng krimen pero agad namang nahuli sa hot pursuit operation at hawak na ngayon ng Banga PNP.