Connect with us

Aklan News

43-anyos na lalaki sinaksak ng kainuman, suspek patuloy na pinaghahanap

Published

on

Motorista patay matapos sumalpok sa nakaparadang truck

Nakaratay ngayon sa ospital ang isang lalaking sinaksak ng kanyang kainuman kaninang madaling araw sa Cahilig Compound sa Brgy. Yapak sa isla ng Boracay.

Kinilala ang 43 anyos na biktimang si Michael Rosy, tubong Purok 2 Bagacay Culasi, Antique habang ang suspek naman ay si Janny Fincale, nasa legal na edad na tubong Pandan, Antique.

Batay sa Malay PNP, magkasamang nag-iinuman ang dalawa nang bigla na lang tumayo ang suspek habang nakatalikod ang biktimma at saka ito sinaksak.

Tinamaan sa dibdib ang biktima kaya agad na isinugod sa Ciriaco S. Tirol Hospital at inilipat kalaunan sa Aklan Provincial Hospital.

Samantala, patuloy na tinutugis ng mga kapulisan ang suspek na tumakas matapos ang insidente.

Inaalam rin nila kung ano ang motibo nito sa pananaksak. | with reports from Reynald Bandiola