Aklan News
Bisikleta sa pinagtatrabahuhang junkshop, tinangay ng helper
Mahaharap sa kasong qualified theft ang isang 19-anyos na lalaki matapos nitong tangayin ang bisikleta sa pinagtatrabahuhang junkshop sa Brgy. Aranas, Balete.
Batay sa imbestigasyon ng Balete PNP, nangyari ang insidente nitong Miyerkules ng gabi at araw ng Huwebes na napansin ng may-ari na wala na ang bisikleta gayundin ang helper na residente ng Brgy. Damayan, Sapian, Capiz.
Napag-alaman na P25,000 ang halaga ng naturang bisikleta.
Sinasabing dahil sa bigla nalang umanong umalis ang helper ay siya agad ang napagdudahan sa insidente.
Nang i-report sa mga kapulisan, doon napatunayan na siya nga ang tumangay sa bisikleta.
Sa pamamagitan ng hot pursuit operation nadakip ng mga otoridad ang suspek sa mismong bahay nito sa Sapian, Capiz at narekober din doon ang kaniyang ninakaw.
Sa ngayon ay kulong na sa Balete Municipal Police Station ang suspek na nakatakdang iinquest ngayong araw sa piskalya.