Connect with us

Aklan News

47 ANYOS NA LALAKI SINAKSAK, SUSPEK BOLUNTARYONG SUMUKO

Published

on

Kalibo Aklan – Boluntaryong sumuko sa Kalibo PNP ang suspek sa nangyaring pananaksak mga dakong alas 7:15 kagabi sa C. Laserna St., Kalibo.

Ayon sa report nakilala ang suspek na si Lorenzo Abiertas, 33 anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Kalibo PNP mga dakong alas 8:00 kagabi ay boluntaryong sumuko ang suspek matapos nitong masaksak ang biktimang si Cresty Parce na residente naman ng Purok 5, C. Laserna St., Kalibo.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng kapulisan, na dumaan lang ang biktima para bumili ng pagkain sa isang tindahan ng merong namagitang hindi pagkakaunawaan sa kanilang dalawa suspek kung saan nasaksak ang biktima.

Nagtamo ng tama ng pananaksak sa kanyang kaliwang tyan si Parce na agad namang dinala sa Aklan Provincial Hospital.

Samantala pansamantala namang nakakulong sa Kalibo PNP ang suspek habang inihahanda pa ang karampatang kaso laban sa kanya.

Continue Reading